Life in a Day (2011)

Medyo mabigat ang pagbenta dito sa pelikulang ito. Unang crowdsourced film kasi ito, made using Youtube, at sinalang from roughly 4,500 hours of footage down to 93 minutes and 53 seconds. Basically, ang premise ay ifi-film ng mga tao ang buhay nila sa isang araw. July 24, 2010. Kung bakit yung araw na yun ang napili, I dunno and I don’t care. HAH. What I did care about was si Ridley Scott (of Blade Runner and Gladiator fame) ang producer nito. BOOMPANES. I had to see it. Kaso yun, medyo ‘di ko nagustuhan ang napanood ko, 93 minutes and 53 seconds later. Ano kasi eh, medyo nagkaroon ako ng confirmation bias about something I hold to be true about people of different nationalities and walks of life. At alam kong kung may ganoong effect sa akin ang pelikulang ito, I’m sure the opposite was true for people “on the other side of the fence”, ika nga. In short, I felt this film polarizes more than it unites. At maraming critics ang nagsabi na this film helps a lot in uniting us all. I call BS. Ang laki ng contrasts ng mga clips ng mga X, mga Y at mga Z. It might incite a feeling of “oh my, we all are the same, after all!” from the X’s, pero gaano sila kasigurado na hindi hate o anger ang naiincite ng pelikulang ito sa mga Y at Z na priviledged enough to watch it? Yan ang mahirap kapag introspective experiment ang isang pelikula eh, sobrang open to interpretation. Makikita mo talaga ang gusto mong makita. That could’ve been nice kung fiction, kaso crowdsourced eh. Totoong may mga taong ganito. At para sa mga hindi siguro target market ng pelikulang ito na napanood pa rin siya nonetheless, nakakainsulto makita ang mga eksenang ito’t mabasa after ang pakiwari ng mga X na gumawa’t nanood ng film na ito. May quote si Mark Twain tungkol diyan sa mentality nila na yan eh. Hanapin nyo na lang kung gets ninyo ‘tong ramblings ko. Pero yun, medyo wengkers pala yung ‘kala kong BOOMPANES. Sorry, it did not work for me. Hay.

ELIBATIONS

SHEER WORK: Naman. 4,500 hours of footage. Grabeng pagsala yun diba? Tapos yung mismong editing dun sa selected clips para makapag-establish sila ng some sort of flow. Ibang klase.

INNOVATION: First of its kind talaga. Crowdsourced men, sa Youtube pa. Sad lang how poorly represented ang hindi first world. Puro tipikal ang mga clips, medyo parang contrived pa to invoke a certain emotion or what. Kinda meh sa part na yun.

WENGKERSPLATS

VAGUENESS LEADING TO POLARIZATION: Walang clear plot o kahit man lang patutunguhan. Pero solid ang mga contrast ng kabuhayan. Kaasar pa yung unecessary airtime sa totoong mundane na gawain ng ibang first worlders (Ahit?!? Talaga?!? Hunyeterz!). Hay nako, ewan ko.

FINAL VERDICT – Kapanopanood naman. Hindi nga lang must watch para sakin. There are more meaningful ways to pass the time.

2 thoughts on “Life in a Day (2011)

  1. I agree with some of your observations. In trying to show how alike we are as a race the film actually showed how different we are. But maybe that’s the point, that we as individuals shouldn’t, couldn’t judge others simply because we can’t hold others to the same standards we are accustomed to in a world of varied cultures.
    The editing as you said is exceptional specially given the staggering amount of footage. I wondered all throughout if the quality of footage weighed more than content in the selection process (which may also be the reason for the uneven representation you observed).

    1. Thanks for the well-thought comment, Winter.🙂

      Well, for what it’s worth, hindi naman tayo ang unang nang-judge. End product na yung napanood natin eh. What we saw was the production people’s vision/direction for the film. And from what I experienced, I kind of feel na deeply embedded yung “first world privilege” ng mga gumawa. Yung implication na lang na tingin nila ay importante at mabigat yung clips ni US army wife at ni first time ahit kid kaya ganon na lang yung kinain sa kabuuang oras ng movie eh, sobrang evident na ng bias nila. Tapos director Kevin Macdonald was so impressed with the fly catch-and-release clip at yun daw yung nag-stand out for him. Out of 4K+ hours of footage. Clearly the sentiments of a first worlder.

      Maybe I’m not really qualified to evaluate this movie. I can’t be objective kapag ganito ang tema eh. Pero will anyone ever be qualified? That’s the real question, no?

      Thanks again, and good day.🙂

What say you?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s