Mababangong Bangungot (1977)

 

Medyo trippy itong pelikulang ito. Hindi nakakagulat dahil late 70s offering ito ng isang medyo bata pang Kidlat Tahimik. But what he did with a very shoestring budget is… milagroso. Kaya pala ganon na lang ang pagtingala ng mga tao dito kay director formerly known as Eric de Guia. Ang galing galing niyang magkuwento. Yung galing niyang yun ang nagdala sa film na ito, quite literally. Amateurish ang lahat ng ibang aspeto ng pelikula, parang kayang gawin ng mga estudyante. Pero yung kuwento, yun yung ginto. Ang ganda lang kasi parang weird na coming-of-age film siya kasi pinakita si Kidlat (siya rin pala ang main character, btw) from his very colonial beginnings, e.g. president ng Werner von Braun fan club ng barrio nila at avid listener ng VoA sa radyo, hanggang sa pagkamulat niya sa katotohanang mga tao lang rin ang mga ‘Kano’t kaya rin nilang mang-uto’t mang-onse ng mga shoshonga-shonga. Ang kulit lang rin how he managed to travel all over (Paris, Germany) habang nag-a-unfold yung kuwento niya. So ayun, although very narcissistic itong Mababangong Bangungot, I’d still recommend it to anyone willing to watch the first film – the one that started it all – of a certain Kidlat Tahimik; a name deeply etched in our local cinema history alongside other greats and certainly one who holds his own among them.

ELIBATIONS

HUMOR – Asahan mo talaga ang Pinoy na magpapatawa kahit napakaseryoso ng topic/issue ng kanyang palabas. Actually, isa ito sa charm ng film na ito: yung self-depreciation niya. ‘Kala ng mga foreigners, mga Briton lang kayang gumawa neto eh, nagulat tuloy sila kay Kidlat at napabigay ng maraming awards sa mga film fests, haha.

GUTS – Gustong gusto ko yung lakas ng loob (o kapal ng fez) ni Kidlat na kunan ang kung anumang gusto niyang kunan. Wala siyang pakialam kung medyo na-o-offend na ang mga matrona ng baryo sa umpisa, kung namamatay na sa kahihiyan ang mga batang kinukunan na nagpapatuli o kung inirereport na ba siya ng mga banyaga sa Paris o Germany dahil sa pag-loiter niya sa kung saan-saa’t pagtatanong sa kung sinu-sino. Sana ganyan din ako kumuha ng shot, kahit dun man lang sa dslr.

UTAK – Matabang mataba ang utak ni Kidlat. That much is dimagibang fact the first 15 minutes to half an hour into the film. Husay ng story-telling. Lavet.

FINAL VERDICT – Unflinchingly biased, but still highly recommended. Lalo na sa mga mag-aaral ng pelikula.

What say you?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s